Kailan



Kailan ba magdudugtong ang puwang?
At mapupunan ang pagkukulang?

Kailan ba tatamis ang mapait na pagsasama?
At magkakaroon ng bagong pag-asa?

Kailan ba titigil ang prusisyon?
At mababaling sa akin ang atensyon?

Kailan ba mapuputol ang pila?
At haharangan na ng linya?

Kailan ba magkakaroon ng himala?
At ang lahat ay magiging tama?

Kailan mo ba ipapamigay ang paboritong sapatos mo?
At palagi ng susuotin ang nag-iisang tsinelas mo?


xoxo,
Monikels

0 comments:


up