Ang Love...



Ang love parang mantsa sa damit, di inaasahan. Biglaan. Bigla nalang dumadating. Aksidente, makapit. Pero sa kabilang banda, isa nga itong mantsa, na napakadaling tanggalin sa pamamagitan lang ng isang laba.

Ang love iba-iba, meron yung tipo na mula aparri hanggang jolo, walang hangganan di mauubos kahit umabot sa dulo. Meron din yung tipo na parang posporo, yung isang sindi mo lang, agad-agad nagiging abo, kung mawala mas mabilis pa sa alas kwatro.

Ang love kung ikukumpara sa gera, madami kang kalaban, hindi mo alam kung sino ang mananalo, hindi mo alam kung mananalo ka nga. At hindi mo alam kung tama ba na ito’y ipaglaban, hindi mo alam kung karapat-dapat ba itong ipaglaban hanggang patayan. Dahil sa huli, baka ang iyong ipinaglalaban ay ang taong maglalaglag pala sayo sa iyong kalaban.

Ang love parang alkansya, hindi mo agad-agad mapupuno o malalagyan ang puwang. Kailangan mo maghintay para ito ay mapuno. Pero minsan, pag napuno na babasagin mo rin, at ang puwang ay babalik din.


xoxo,
Monikels

0 comments:


up