Kaibigan



ang taong nandiyan palagi kahit kailan lalo na pag kailangan.
ang taong hinding-hindi ka iiwan.
ang taong tutulong sayo palagi.
ang taong nagpapasaya sayo lalo na pag ikaw ay sawi.
ang taong nagmamahal sayo kahit di ka na mahal ng taong mahal mo.
ang taong kahit itaboy mo bumabalik padin sa piling mo.
ang taong lagi kang pinapatawad dahil di ka matiis.
ang taong nagpupunas lagi pag tumulo na ang iyong pawis.
ang taong aaway sa mga umaapi sayo.
ang taong pinapasaya ka pag ikaw ay tinotoyo.
ang taong magaampon sayo pag ikaw ay naglayas.
ang taong magbibigay sayo ng mabantot na bansag o kaya alyas.
ang taong laging nagsasabi ng totoo.
ang taong buntot ng buntot sayo na parang aso.
ang taong hindi ka hahalayin kahit magkalasingan.
ang taong ngumingiti kahit magkapikunan.
Yan ang kaibigang totoo, talikuran ka man ng buong mundo andiyan pa din siya nakaharap sayo.


xoxo,
Monikels

0 comments:


up